Binawian ng buhay ang dalawang lalaki matapos hindi makahinga habang naglilinis ng septic tank sa Opol, Misamis Oriental.
Sa ulat ng "Saksi" sa GMA Network nitong Lunes ng gabi, Enero 6, nagsagawa umano sila ng siphoning operations noong Biyernes, Enero 3, dahil naiulat na barado daw ang septic tank ng isang kainan.
Pumasok daw ang isang lalaki sa loob upang tingnan ang problema subalit maya-maya, nagsisisigaw raw ito at dumaing ng matinding pananakit ng ulo at kinakapos ng paghinga.
Sinundan siya ng isa pang lalaking kasamahan para iligtas subalit ganoon din ang nangyari sa kaniya. Dead on arrival daw sila nang isugod sa pagamutan.
Hindi raw nagsampa ng reklamo ang mga kaanak ng mga biktima.