Ano kaya ang inaamoy ni Kapuso star Ruru Madrid nang gampanan niya ang karakter ni Xavier Gonzaga sa pelikulang “Green Bones?”
Sa eksklusibong panayam ni GMA showbiz news reporter Nelson Canlas kamakailan, ibinahagi ni Ruru ang tila technique na natutuhan niya sa pag-arte.
Ayon sa kaniya, “May tinry kami ng acting coach ko na may scent akong ginagamit. At doon sa scent na ‘yon, every time na ginagamit ko siya, it’s easier to me na makapasok doon sa character ko.
“Because kapag naamoy ko na siya, ito na ako. Si Xavier na ako,” dugtong pa niya.
Tila naging epektibo naman ang ginawa ni Ruru dahil ginawaran siya bilang “Best Supporting Actor” sa ginanap na 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal noong Disyembre 27.
Matatandaang bukod dito ay nakuha rin ng “Green Bones” ang “Best Picture” at “Best Screenplay.”
Samantala, hindi rin nagpahuli ang mga co-star ni Ruru na sina Dennis Trillo na nasungkit ang “Best Actor” at Sienna Stevens na naiuwi ang “Best Child Performer.”
MAKI-BALITA: Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal