Usap-usapan sa TikTok ang isang Pilipinang nakapangasawa ng isang Amerikano matapos siya nitong "hiyain" sa social media dahil daw sa pagnanais niyang makipagdiborsyo na sa kaniya dahil nakuha na raw ang gusto at pakay—ang pagkakaroon ng "green card."
Ang mag-asawa ay parehong aktibo sa TikTok at may libong followers na rin. Masisilip sa contents ni Jay Anne ang buhay niya bilang plain housewife kasama ang mister at anak. May ilang videos din ang dalawa na makikitang magkasama silang dalawa at kanilang mga supling.
Ayon sa ilang contents ng US citizen na si "Chad2Dad," nakikipaghiwalay na raw sa kaniya ang Pinay na misis na si "Jay Anne" na kasama niya sa Hawaii dahil nakuha na raw nito ang talagang pakay sa kaniya, na ganap na maging American citizen, sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kaniya.
Gumamit pa si Chad ng hashtags na "#scam" at "#golddigger" sa kaniyang content videos para umano'y isiwalat ang kaniyang Pinay na misis sa tunay na dahilan umano ng pagpapakasal sa kaniya.
Lumikha ito ng ingay matapos umalma ang mga Pilipinong netizen dahil tila na-"culture shame" dahil tila nadamay raw ng Kano ang mga Pinoy at Pinay na nakapangasawa ng dayuhan, lalo't ang realidad, may "stigma" pa rin sa mga kababayang nangangarap magka-jowa o asawa ng "afam" para makapunta sa ibang bansa o "makaahon sa kahirapan."
Sa kaniyang TikTok videos, mariing pinabulaanan ni Jay Anne na kaya siya nakikipaghiwalay sa mister na Kano ay dahil may green card na siya.
Nakikipaghiwalay raw siya sa asawang dayuhan dahil sa umano'y pagiging "abusive" at pambabastos nito sa kaniya at sa kaniyang mga magulang, verbally at physically daw.
"I think the word Americanized has nothing to do with someone who is disrespectful especially to your people, let's say that you're closest people. It's because he disrespected my parents, screaming, snatching some things verbally and physically," ani Jay Anne.
Dagdag pa niya, "So what I am thinking that time, you are freely disrespecting me and abusing me. I think that's enough. You can do it 24/7 to me, you can do it anytime, but to the point that you gonna be disrespecting my people especially my parents, I think that's what you know, draw the line."
Saad pa ni Jay Anne, ang pambabastos daw ng mister sa kaniyang mga magulang ang nagtulak sa kaniya para tuluyang makipaghiwalay rito.
Batay sa nagtutugmang kuwento ng mag-asawa sa kani-kanilang content ay dalawang taon silang nagsama bilang mag-asawa sa US.
Ayaw raw sanang hiwalayan ni Jay Anne ang mister dahil may mga anak din sila, subalit labis na raw siyang nasaktan sa mga ginagawa sa kaniya ng Kanong mister, at alam niyang hindi na raw ito magbabago.
At dahil alam daw niyang hindi na magbabago ang asawa sa pakikitungo nito sa kaniya at sa kaniyang mga magulang, minabuti na lamang daw niyang makipaghiwalay rito.
Subalit gumawa ng content ang kaniyang mister at hiniya siya sa social media.
Isa pa sa mga dinebunk ni Jay Anne sa sinabi ng kaniyang mister na lahat daw ng mga naibigay o nai-provide nito sa kaniya bilang kabiyak ay ayaw niya. Paliwanag ni Jay Anne, grateful daw siya sa asawa dahil sa lahat ng mga ibinigay nito sa kaniya, naging vocal naman siya rito at laging nagpapasalamat sa social media, kahit iba ang nangyayari sa loob ng kanilang bahay na hindi na nakikita ng kanilang followers sa TikTok.
Nilinaw rin ni Jay Anne na maayos daw ang relasyon nila ng ex-wife ng kaniyang mister, at maganda raw ang pakikitungo nito sa kanilang mga anak.
UPDATES NI JAY ANNE AT BACK-UP NG NETIZENS
Sa isa pang TikTok video, sinabi ni Jay Anne na ligtas naman siya at ang mga anak niya matapos mag-alala ang ilang mga kababayang netizen para sa kaniya. Nilinaw rin ni Jay Anne na hindi siya tumatanggap ng kahit na anong donasyon.
Ibinahagi rin ni Jay Anne na hindi na sila magkasama sa iisang bubong ng kaniyang mister, at nagkaroon sila ng ilang mga resolusyon kaugnay ng kanilang problema, lalo't buntis pala si Jay Anne.
Gustong-gusto na raw bumalik ng Pilipinas ni Jay Anne upang makasama ang kaniyang pamilya.
Sa nabanggit na video, nilinaw ni Jay Anne na wala siyang ipinadadalang pera sa kaniyang pamilya sa Pilipinas na nagmula sa bulsa ng kaniyang mister, dahil hindi raw niya kinasanayan ang ganoon. May sariling negosyo raw ang kaniyang pamilya sa Pilipinas kaya hindi sila humihingi ng pera mula sa kaniya, kung iyon man daw ang isa sa mga isyung nais palabasin ng mister laban sa kaniya, gayundin ang bashers.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, lalo na sa mga Pilipino.
"girl we need updates from you. we're worried for you staying in the same house as that man. he keeps posting nonsense, if possible please get out of there."
"I knew there was so much more to that story. Run "
"Get the best lawyer money can buy!!! Will worth it at the end!!!"
"He says you won’t leave because you’re pregnant. Girl; please try to leave anyway!!!! He is DANGEROUS!!!"
"For non Tagalog speakers, she is talking about how she could see the hurt in her parents faces’ because of how disrespectful her husband was to them, though they didn’t say anything."
"Get a lawyer. I know a narcisist when I see one. He will make it as difficult as possible and you need protection and help. Good luck. "
"He was trying to embarrass Jay Anne but he didn’t notice that he is the one embarrassing himself.
Maging ang Italian-American actress at model na si Julia Fox ay napakomento rin sa istorya ni Jay Anne.
Aniya sa comment section ng video, "God bless you, angel. I hope you get as far away from that wretched man as humanly possible… you don’t deserve that at all I hope that you and your children will be safe in the upcoming days."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mister ni Jay Anne tungkol sa kaniyang TikTok videos.