Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na naging mas mababa raw ang firecrackers-related injuries sa pagsalubong sa 2025 kumpara sa naging pagpasok noong 2024.
Ayon sa DOH, pumalo sa 340 kaso ng mga nabiktima ng paputok ang kanilang naitala mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 1, 2025.
Saad ng ahensya, mas mababa raw ng 64% ang naturang kaso, kumpara noong nakaraang taon kung saan nasa 519 firecrackers-related injuries ang naiulat ng DOH noong Enero 1, 2024.
“Mas mababa ng 64% ang naitalang bagong kaso ngayong bisperas ng Bagong Taon 2025 kumpara sa nakaraang taon, ngunit maaaring may mga late reports,” anang DOH.
Dagdag pa ng DOH, kalimitang sanhi raw ng mga naospital ay dulot ng mga ilegal na paputok katulad ng boga, 5-star at piccolo.
Matatandaang noong Disyembre 28 nang kumpirmahin ng DOH na isang senior citizen ang nasawi dulot umano ng Juda’s belt.
KAUGNAY NA BALITA: 78-anyos na lolo, patay matapos umanong maputukan ng Judas' Belt