February 23, 2025

Home SHOWBIZ Events

MMDA, pinabulaanang sa Pasig gaganapin parada ng 2nd Summer MMFF

MMDA, pinabulaanang sa Pasig gaganapin parada ng 2nd Summer MMFF
Photo Courtesy: MMDA (FB)

Naglabas ng pahayag ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kumakalat na impormasyon tungkol sa 2nd Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars.

Sa Facebook post ng MMDA Martes, Disyembre 31, sinabi nilang wala raw katotohanang sa Pasig gaganapin ang naturang parada na nakatakda umanong mangyari sa 2025.

Ayon sa kanila, “Abala ang MMFF sa pagdaraos ng kasalukuyang 50th MMFF at pagpapalabas sa sinehan ng 10 entries.”

“Sa susunod na taon pa nakatakdang magpulong ang Executive Committee ng MMFF para pag-usapan kung magkakaroon ng Summer MMFF sa 2025,” dagdag pa ng MMDA.

Events

Boy Abunda Kapuso pa rin: 'This has always been my home!'

Kaya naman paalala ng MMDA sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasang post sa social media.

“Mabuting alamin ang pinanggalingan ng impormasyon o iberipika mula sa mga lehitimong sources ang mga nababasa online,” anila.

Para sa mga anunsiyo at iba pang updates, hinikayat ng MMDA ang publiko na bisitahin lamang ang kanilang mga official social media channels.

Matatandaang unang binuksan ang Summer MMFF noong Abril 2023 na nilahukan ng walong pelikula.

MAKI-BALITA: Walong pelikulang kalahok sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival, inilabas na