Hindi na umano nakalabas nang buhay mula sa nasusunog na bahay ang isang 37-anyos na lalaki sa Oakland, California matapos muling bumalik mula rito upang hanapin ang biniling engagement ring para sa kaniyang girlfriend, na balak na niyang hingin ang mga kamay at pasagutin ng "Yes!" upang pakasalan at makasama habambuhay.
Sa ulat ng News5 at iba pang international news outlets, iniligtas muna ng lalaki ang kaniyang ama, kapatid, at tiyahin bago bumalik sa nasusunog na bahay para hanapin ang naiwanang singsing.
Balak daw ng lalaki na mag-propose sa kaniyang girlfriend sa araw mismo ng Bagong Taon.
Hindi na raw siya nakalabas at natagpuan na lamang daw ang kaniyang bangkay sa loob ng bahay.
Sa panayam naman sa nobya ng biktima, inilarawan niya ang kaniyang boyfriend bilang "best person you can ever meet."
Nangyari ang insidente ng sunog sa mismong araw ng Pasko.