January 01, 2025

Home FEATURES Human-Interest

‘Celebrate New Year with compassion!’ AKF, nanawagang iwasang magpaputok para sa hayop

‘Celebrate New Year with compassion!’ AKF, nanawagang iwasang magpaputok para sa hayop
(Courtesy: Animal Kingdom Foundation/FB)

Nanawagan ang Animal Kingdom Foundation (AFK) sa publikong iwasang magpaputok sa darating na Bagong Taon dahil magdudulot ito ng anxiety sa mga alagang hayop.

Sa isang Facebook post, inihayag ng AKF na dalawang beses na mas malakas para sa mga aso ang mga tunog na naririnig ng mga tao, kaya’t limitahan daw sana ang masyadong maiingay na bagay sa Holiday Season para sa kanilang seguridad.

“#IwasPaputoxic ngayong Holiday!” 

“Firecrackers and loud noises may be a norm this coming Christmas and New Year revelries, but they can surely cause anxiety to our pets. Remember, dogs can hear twice as loud as hoomans, so those bangs may be too harsh for them,” anang AKF.

Human-Interest

Guro, pinasok content creation dahil sa mister na na-depress

Bukod dito, sa hiwalay na Facebook post ay ipinanawagan din ng animal welfare organization ang hindi paggamit ng fireworks dahil nabibiktima raw nito ang mga ibon sa himpapawid.

“Let us not forget the birds in the sky. While we celebrate with lights and sound, let’s take a moment to think about the silent victims above us—the birds,” saad ng AKF.

“Fireworks, though dazzling, are terrifying to them. The loud explosions, bright flashes, and smoke leave them disoriented, scared, and with nowhere to hide. Many lose their lives as they flee in panic.”

Sa huli, sinabi ng AKF na mahalagang ipagdiwang ang holiday season nang masaya, habang iniisip rin ang kalagayan ng iba.

“Let’s be kind this season. Celebrate responsibly. Choose alternatives to fireworks, and let the skies be a safe haven for all creatures,” saad ng AKF.