Inilabas ni showbiz insider Ogie Diaz ang listahan umano ng mga nangungunang pelikula na lahok sa 2024 Metro Manila Film Festival.
Sa latest Facebook post ni Ogie noong Huwebes, Disyembre 26, makikitang “And The Breadwinner Is…” ang numero una sa nasabing listahan.
“According to my source, nangunguna ang movie ni Vice Ganda sa box office. Wala pa daw sa kalahati ng gross nito ang #2 nung opening day nito nung Pasko.
Eto daw ang ranking:
1. And The Breadwinner Is…
2. The Kingdom
3. Espantaho
4. Uninvited
5. Green Bones
6. Topakk
7. My Future You
8. Strange Frequencies
9. Hold Me Close
10. Isang Himala
Kung totoo man ito, congrats. Kung hindi, paki-correct na lang ang ranking kung mali ang source ko.”
Matatandaang sa unang araw ng MMFF ay pinasalamatan ni Vice Ganda ang mga tumangkilik sa kaniyang pelikula na naging dahilan kung bakit naging sold-out ito agad.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!
Samantala, nanawagan naman si “Isang Himala” lead star Aicelle Santos na unahing panoorin ang kanilang pelikula dahil baka tuluyan itong mawala sa mga sinehan sa konti ng mga tumatangkilik.
MAKI-BALITA: Panawagan ni Aicelle Santos, unahin ang 'Isang Himala' sa MMFF