February 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Unti-unting pag-flex? Coco, tinawag na 'Nanay' si Julia

Unti-unting pag-flex? Coco, tinawag na 'Nanay' si Julia
Photo courtesy: Screenshots from @cocomartinofficial (TikTok)

Usap-usapan ng mga netizen ang pagtawag daw ng "Nanay" ni "FPJ's Batang Quiapo" lead star, director, at line producer Coco Martin sa Kapamilya star na si Julia Montes, na nahagip sa kaniyang latest TikTok video.

Sa video, makikitang inabutan ni Coco ng bouquet of flowers ang rumored partner, sa ginanap na premiere night ng pelikulang "Topakk" na kalahok sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).

"Nanay!" tawag ni Coco, na sey ng mga netizen, ay tumutukoy raw kay Julia.

Sa dulo ng video ay makikitang hinikayat ni Coco ang mga manonood na suportahan ang pelikula ni Julia, kasama sina Arjo Atayde at iba pa.

Tsika at Intriga

BINI Jhoanna, nagsalita sa tsikang malalagasan sila ng isang miyembro

Sa comment section ay nasabi naman ng mga netizen na tila unti-unti na raw binubukas sa publiko ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Matatandaang hindi mamatay-matay ang kumakalat na tsikang bukod sa matagal nang magkarelasyon sina Coco at Julia ay mayroon na rin silang mga anak, ayon na rin sa mga pinakawalang tsika ng showbiz insider na si Cristy Fermin.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"omg...so confirm nga may anak na sila"

"guys what does Nanay mean."

"Wow Nanay ang call out ni coco ky julia It means nanay ng kanyang mga anak"

"It’s nice to know that slowly they are showing their real relationship"

"nanay tawag ni coco kay julia?"

"so confirmation na ito na may anak na sila?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Coco at Julia tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

KAUGNAY NA BALITA: Cristy sa pagtatago nina Coco, Julia sa mga anak: 'Ibigay na natin sa kanila!'

KAUGNAY NA BALITA: Lantaran na kasi: Mga anak nina Coco at Julia, pinangalanan ni Cristy