May 20, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kris Aquino may health update, nagpositibo sa Covid-19!

Kris Aquino may health update, nagpositibo sa Covid-19!
Photo courtesy: Kris Aquino (IG)

Nagbahagi ng panibagong health update si Queen of All Media Kris Aquino matapos niyang ikuwento ang naging kondisyon ng kaniyang kalusugan nitong mga nakaraang araw.

Sa kaniyang Instagram story, sinabi ni Kris na nakararanas siya ng matinding panghihina at lagnat mula nang makalabas siya ng ospital noong Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa Queen of All Media, nagsimula ring ubuhin ang kaniyang anak na si Josh noong Lunes, dahilan upang mas lalo siyang mag-ingat dahil mahina ang kaniyang resistensya.

Ibinahagi rin ni Kris na nakaranas siya ng matinding pag-ubo tuwing gabi at halos buong araw siyang natulog noong Miyerkules dahil sa epekto ng kaniyang iniindang sakit at ng kaniyang Methotrexate injectable chemotherapy.

Ayon pa kay Kris, umabot umano sa 37.8 hanggang 38.9 degrees Celsius ang kaniyang lagnat mula Huwebes hanggang Lunes ng gabi. Dahil limitado lamang ang maaari niyang inuming gamot, sinabi niyang sumubok siya ng kombinasyon ng diphenhydramine at paracetamol upang maibsan ang kaniyang nararamdaman.

Tsika at Intriga

BINI, nagpasalamat sa pagkilala ng Kamara; pic kasama sina HS Bojie, Rep. Sandro usap-usapan

Makikita rin sa ibinahagi niyang larawan ang resulta ng rapid test kung saan nagpositibo siya sa Covid-19. Nilinaw ni Kris na ang naturang test ay may kakayahang maka-detect ng iba’t ibang karaniwang virus tulad ng flu.

Binanggit din ng aktres-host na napansin niyang mahirap para sa kaniya ang makatulog dahil sa tuloy-tuloy na pag-ubo sa gabi.

Photo courtesy: Screenshot from Kris Aquino (IG)

Sa kasalukuyan, patuloy namang tumatanggap si Kris ng suporta at panalangin mula sa kaniyang mga tagasuporta para sa kaniyang agarang paggaling.