Nahawaan ng human immunodeficiency virus (HIV) ang isang 22-anyos na lalaki matapos umano siyang pumatol sa misis ng kasamahan niya sa trabaho.
Sa Facebook page na Marino Ph, ibinahagi ni alyas "Kevin," 22, seaman, ang kuwento kung paano siya nahawaan ng HIV dulot daw ng malaking kasalanan na nagawa niya.
Kuwento ni Kevin, Hulyo nang umuwi siya dito sa Pilipinas at nagpadala raw ang mga kasamahaan niya para maibigay niya sa mga pamilya nito. Gano'n daw kasi ang siste sa kanila na kada may uuwi ng Pilipinas ay may nagpapadala.
"Marami nagpadala sa akin ng pasalubong at isa na rito si 3rdmate," ani Kevin.
"July 22 dumating kami sa Manila, the day after nag-report ako sa office for debriefing at natapos ko lahat. At sa araw na 'yon ay nagpadala ako sa JRS at LBC lahat ng nagpadala except kay 3rdmate sa misis niya. Nagulat ako na may friend request ako 'yon pala misis ni rd. In-accept ko at doon kami nag-start mag-chat paano i-turnover ang padala," aniya pa.
"Nagulat ako admin na kahit nag-usap na kami ng misis niya pero nagpapadala siya ng emoji (smiley, kiss, heart at marami pa). Parang may pinapahiwatig siya which is mali. The day after pinagkasunduan namin na magkita sa Vito Cruz LRT kasi malapit siya. Sinabihan ko na puwede grab o lalamove na lang kaso ayaw niya gusto niya meet up. Siya lang daw mag-isa with matching emoji pa. Bilang 'yon ang request, nag-oo ako. Hamakin mo admin binigay ko na sa kaniya ang padala.
"Ang iksi ng suot niya, 'yong medyo kita na tapos parang sineseduce niya ako. Sumama ako sa condo nila. Grabe ang kalat puro cups ng starbucks nakikita ko, puro beer, parang naawa ako kay 3rd sa napili niyang asawa. Hanggang binigyan niya ako ng beer at hanggang uminit na rin ako (sorry). Akala ko 'yon lang 'yon at hanggang inulit-ulit namin.
"Fast forward, October this year, nilagnat ako admin. Grabe ang lagnat ko... May mga rashes ako, singaw, at ubo't sipon. The doctor requested HIV test at 'yon na, diagnosed ako as positive. Nakakaiyak. 'Di ko naman siya masisi kasi ginusto ko naman," paglalahad ng lalaki.
Pinagsisihan niya raw ang mga nagawa niya kahit huli na. Ngayon daw ay nagpapagamot siya ng sakit niya at gusto niya raw sabihin sa kasamahan niya ang tungkol sa nangyari sa kanila ng misis nito para hindi na raw ito mahawa ng sakit, lalo't uuwi raw ito ngayong December.
Sa huling bahagi ng post, nagbigay-mensahe si Kevin para kay 3rd.
"3rd A.S.L, 3rd 'yan ang pangalan mo. Sana mabasa mo 'to at maiwasan pa. Takot ako sabihin sa'yo pasensya kasi may nagawa akong kasalanan. Nag-pm ako sa'yo sa ibang account."
Samantala, umani ng mga reaskyon mula sa netizens ang post. Umabot na ito sa mahigit 2,000 reactions, 414 comments, at 439 shares.
NTGM