December 25, 2024

Home FEATURES Human-Interest

'Nakabalot pa!' Grade 10 student, si 'Crush' natanggap na exchange gift

'Nakabalot pa!' Grade 10 student, si 'Crush' natanggap na exchange gift
Photo courtesy: Screenshots from Angela Mones (FB)

Normal ang pagkakaroon ng "crush" sa teenager phase ng isang tao. Pero paano kung ang pinapangarap na crush ay literal na maging regalo para sa iyo?

Kinaaliwan ng mga netizen ang isang video kung saan makikitang kilig na kilig ang isang babae habang tinatanggal ang gift wrap ng kaniyang regalo, sa exchange gift portion ng kanilang Christmas party.

Napagtripan ng mga kaklase niya si "Hannah Gwyneth" na ipanregalo sa kaniya ang crush nitong si "Prince Josef."

Sa panayam ng isang lokal na pahayagan sa uploader ng video na si Yye Sofia Marie, sinabi niyang "open book" naman daw sa kanilang mga magkakaklase na crush nina Hannah at Prince Josef ang isa't isa at ito ay katuwaan lang naman, sa patnubay na rin ng kanilang gurong tagapayo. 

Human-Interest

Lasing daw na pasahero, itinali ng rider sa katawan niya habang bumibiyahe

Marami tuloy ang napa-sana all sa kanila.

"Ay sana all na lang talaga"

"Suwerte naman ni ateh hahahaha."

"Ganiyan din kami noon hahahaha."

"Paki-unwrap na lang po hahaha."

"Kakakilig!"