Usap-usapan ng mga netizen ang video ng isang bumibiyaheng rider na may pasaherong nakatali sa kaniyang katawan para hindi ito mahulog habang namamaybay sa isang kalsada.
Sa video ng isang nagngangalang "Benjie Penalosa" na ibinahagi sa Facebook page na "Visor," makikitang tila tulog na tulog ang nakaangkas na lalaki sa likuran ng rider, at kapansin-pansing nakagapos ito sa katawan ng nagmamaneho gamit ang itim na lubid.
Ayon naman sa ulat ng "Frontline Tonight" ng News5, itinali na lamang daw ng rider ang pasahero sa kaniyang katawan para hindi ito mahulog, matapos makatulog dahil sa labis na kalasingan.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Mas ok na yan tinali to secure para hindi mahulog kaysa maaksidente at makaaksidente pa ng iba."
"ang bait nmn nung rider kasi ako lasing nag angkas ako pero dami ko sugat at sakit sa paa at balikat feeling ko na hulog ako at nasagsahan paa ko buti buhay pa ako"
"Kung kaya mo mag inom sa labas ng hanggang walang pang uwi, for sure kaya mo mag bayad ng 4-wheel Grab (or any). Why compromise your safety?"
"Delikado yan..bakit di nalang pinag pahinga mga 3-4 hrs hulas na yan.."
"Kpag nahulog kasalanan ulit ng rider"
"Ginawa yan ng kaibigan q noon hindi xa gaanong lasing pero ung kumpare nya sobrang kalasingan ayaw nila paawat sa mga kainuman nila itinali nya sa katawan nya ung kumpare nya bago pa makarating sa bahay nila naaksidente sila ayun pinaglamayan silang dalawa. Nangdamay pa ng driver ng bus. Kapag nakainom o lasing wag na mag motor kc."
Samantala, hindi naman natukoy ang pagkakakilanlan ng rider at pasahero, at kung ligtas bang nakauwi ito.