Usap-usapan ang pag-akyat sa bundok ng kontrobersiyal na Kapamilya actress na si Maris Racal, matapos ang matinding eskandalong kinasangkutan kamakailan.
Ibinahagi sa isang Facebook account na may pangalang "Conz Asmin" ang mga larawan ni Maris at mga kasama, sa pag-akyat nila sa Mt. Ulap.
"Mabuhay!! Salamat sa paghike dito sa mt.ulap manga ma'amsir," mababasa sa caption.
Makikita ang ilang group photo na kasama si Maris, at ilang mga larawang solo lang siya.
Matatandaang sa pagpasok ng Disyembre ay isiniwalat ng ex-girlfriend ng kaniyang katambal na si Anthony Jennings, na si Jam Villanueva, ang screenshots ng sweet private conversation ng dalawa.
MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
Dahil dito ay umani ng katakot-takot na bash sina Maris at Anthony, na dumating pa sa puntong nag-pull out ang ilang brands kay Maris bilang endorser nila.
MAKI-BALITA: Maris Racal, niligwak na bilang endorser ng isang kompanya
Nag-deactivate din si Maris ng kaniyang Facebook account upang marahil ay makaiwas sa pambabash at harsh comments.
MAKI-BALITA: Hindi na keri ang bash? FB account ni Maris Racal, deactivated na
Hindi rin pinasama ang MaThon sa media conference, promotions, at ilang posters ng pelikulang "And The Breadwinner Is..." ni Unkabogable Star Vice Ganda, na kalahok sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).
MAKI-BALITA: MaThon, inelbow sa grand media day ng pelikula ni Vice Ganda?
Makalipas ang ilang araw ay humingi ng paumanhin sa publiko sina Maris at Anthony nang magkahiwalay.
MAKI-BALITA: Maris Racal, aminado sa ginawang pagkakamali: 'I'm lonely and getting attention from Anthony'
MAKI-BALITA: Maris sa kaniyang very intimate side: 'Gano'n talaga ako 'pag nagbibigay ng pagmamahal'
MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris
Sey ng mga netizen, siguro ang pag-akyat ng bundok ni Maris ay paraan niya para makahinga-hinga sa lahat ng mabibigat na ganap sa kaniya, na hindi niya inasahan at hindi rin inasahan ng lahat.