Patay ang lasing na empleyado mula sa Kananga, Leyte matapos umanong sapakin ng kaniyang kasamahan sa trabaho na pinagmalasakitan lang gisingin, Linggo, Disyembre 22.
Ayon sa ulat ng News5, pauwi na raw sana mula sa Christmas party ang lasing na biktima nang makita niya ang natutulog na suspek sa gymnasium.
Nilapitan daw ng biktima ang suspek upang gisingin ito, at nang marinig daw na may tila ibang sinasabi ay sinuntok ito, subalit pumalag daw ang suspek at nasuntok din ang biktima matapos maalimpungatan.
Nasapul sa panga ang biktima, natumba, at nawalan ng malay. Isinugod siya sa ospital subalit namatay rin. Ayon sa mga awtoridad, wala umanong motibo sa pagpaslang ng suspeks sa biktima kundi nagkagantihan lamang. Gayunman, nahaharap umano ang suspek sa kasong homicide.