December 18, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Rudy Baldwin, pinaghahanda ang Bulacan sa dami ng lindol na mararanasan

Rudy Baldwin, pinaghahanda ang Bulacan sa dami ng lindol na mararanasan
Photo Courtesy: Rudy Baldwin via GMA Integrated News, Provincial Government of Bulacan (FB)

Nagkaroon umano ng pangitain ang fortune teller na si Rudy Baldwin sa probinsya ng Bulacan sa darating na 2025.

Sa Facebook post ni Rudy nitong Martes, Disyembre 17, pinaghahanda niya ang mga Bulakenyo dahil sa dami raw ng lindol na mararanasan nila sa susunod na taon.

“MAGING HANDA LAMANG MGA TAGA BULACAN LALO NA SA TAONG 2025 DAHIL MARAMI TAYONG LINDOL NA MARARANASAN AT MARAMING BAHAY OGUSALI MAN ANG GUGUHO NG DAHIL SA LINDOL,” saad ni Rudy.

“NGUNIT ME ISANG PANGYAYARI NA WALANG KINALAMAN SA LINDOL O BAGYO PA  ISANG PANGYAYARI NA BIGLA NALANG BIBITAK ANG LUPA O KALSADA AT MAGKAROON NG PAGGUHO NG LUPA O SINKHOLE SA IBAT IBANG LUGAR NG BULACAN,” aniya.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Kilalanin mga imbentor ng Walking stick with GPS and sensor para sa visually impaired

Bukod dito, may dalawang sunog daw siyang nakitang mangyayari sa Bulacan. Pinag-ingat din niya ang mga magulang dahil posible raw na magkaroon ng insidente ng panghahalay na ikasawi ng biktima sa pagitan ng Pasko at Bagong Taon.

Matatandaang sa isang panayam ni Rudy noong Nobyembre ay ibinahagi rin niya ang isang pangitaing darating umano sa 2025.

“Hindi ko siya ma-compare sa virus. I don’t know what to call it yet. Isa siyang hangin na may dalang bacteria. It so bad kasi ‘di ba do’n sa monkey pox…ito iba ‘to,” lahad ni Rudy.

MAKI-BALITA: 'It's so bad!' Hanging may dalang bacteria, darating sa 2025 sey ni Rudy Baldwin