Nagbigay ng babala ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa guwapong aktor na mahilig daw magpadala ng mensahe sa mga magagandang babaeng nakikita nito sa social media.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Disyembre 16, sinabi ni Ogie na iniipon daw ng mga babaeng hinaharot ng guwapong aktor ang screenshot ng mga message nito.
“Nakakaloka! ‘Yong lahat ng dini-DM [direct message] niyang babae, ini-screenshot at ipinapadala sa girlfriend. Ang nakakaloka, sa nanay [ng girlfriend] ipinapadala,” saad ni Ogie.
Samantala, nang hingan si Ogie ng iba pang clue ng co-host niyang si Mama Loi, tumanggi na siyang magbigay.
Ayon sa kaniya, “Alam naman niya kung sino siya. Naku, Diyos ko, iwasan mo ‘yan baka ma-screenshot ka. Otherwise, baka ma-blackmail ka. ‘Pag na-blackmail ka niyan, Diyos ko, hihingan ka ng kung anik-anik."
“Kasi kaya siya gano’n, mayro’ng bumibigay na babae. [...] Siyempre naman ‘yong mga babae, parang ‘ay, siya naman ‘yon.Parang trophy sa akin ‘to. Guwapo naman siya, lahat pinapatasya siya,’ dugtong pa niya.
Sa huli, iginiit ng showbiz insider ang bilin niyang huwag nang mangharot ng magagandang babae lalo na at may girlfriend ito.