February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'May dalang flowers!' Daniel, pinasok si Kathryn sa dressing room?

'May dalang flowers!' Daniel, pinasok si Kathryn sa dressing room?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Pinuntahan daw ni Kapamilya star Daniel Padilla sa dressing room ang ex-girlfriend niyang si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo para kausapin sa ginanap na ABS-CBN Christmas Special kamakailan.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Disyembre 12, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang tsika tungkol sa dalawang ex-celebrity couple.

Ayon kay Ogie, “‘Yon nga ang tsika sa akin, nagkita ang dalawa, si Kathryn at si Daniel. [...] Nagkita sila sa backstage sa dressing room.

“Bigla raw may dalang flowers itong si DJ [Daniel]. Kumatok sa dressing room. Pinapasok. Naglabasan ang glam team ni Kathryn at hinayaan ang dalawa na makapag-usap,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

Pero paglilinaw naman ng showbiz insider, nakarating lang daw sa kaniya ang naturang tsika. Pwede raw itong  kumpirmahin o pabulaanan ng dalawa at ng sinomang mga nakakita.

“Malay naman namin, wala naman kami doon. So, hindi natin alam kung ano ang pinag-usapan no’ng dalawa,” aniya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Kathryn at Daniel hinggil dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.