December 22, 2024

Home SHOWBIZ Blind Item

Napakagandang aktres, panay post ng sexy pictures pero may anak na?

Napakagandang aktres, panay post ng sexy pictures pero may anak na?
Photo Courtesy: Pexels

Sino kaya ang napakagandang aktres na tinukoy ng showbiz insider na si Ogie Diaz na madalas umanong mag-post ng mga sexy pictures kahit ang totoo ay buntis na?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Disyembre 11, tila palaisipan kay Ogie kung paano napapanatili ng nasabing aktres ang privacy nito.

“Nabalitaan ko lang, ‘oy, may anak na ‘yan,’ sabi sa akin ng source ko. ‘A, talaga? Buti naki-keep niya ‘yong privacy niya,’” lahad ni Ogie.

Sagot naman ng source niya, binibilinan umano ang aktres ng pamilya ng lalaki na huwag magbabahagi ng anomang post tungkol sa pamilya nito. Sa madaling-sabi, kasal na raw ang aktres.

Blind Item

Ogie Diaz, pinag-iingat guwapong aktor na mahilig humarot ng chicks

Pero dahil nga blind item, hindi binanggit ni Ogie ang pangalan ng aktres. Nagbigay na lang siya ng clue. Ayon sa kaniya, nakatrabaho na raw niya ito at mayaman.

“Hindi mo siya pwedeng kuwestiyunin na swerte naman niya mayaman napangasawa niya. Hindi, ‘day, siya mismo mayaman bago pa nag-asawa,” aniya.

May ideya ka ba, ka-Balita?