Nagbigay ng update ang celebrity-doctor at senatorial aspirant na si Doc Willie Ong kaugnay sa kasalukuyang lagay ng kaniyang kalusugan.
Sa Facebook post ni Ong nitong Lunes, Disyembre 9, sinabi niyang matatapos na raw ang pagsailalim niya sa 6 sessions ng chemotherapy.
“Kaibigan, konti na lang at matatapos ko na ang 6 sessions ng Chemotherapy. Sa milagro ng Diyos, unti-unti tayong lumalakas na. Ngayong araw, may mga additional treatment ko. Pampalakas at panlaban sa cancer,” saad ni Ong.
Dagdag pa niya, “Marami pa tayong gagawin sa Pilipinas. Lalo na sa mahihirap. Iyan ang pangako ko. ‘Hanggang sa dulo ng hininga. Hanggang sa huling tibok ng puso.’ Tutulong tayo sa Pilipino.”
Matatandaang bago pa man ito ay inanunsiyo rin niya noong Disyembre 2 na unti-unti na raw siyang gumagaling sa cancer.
MAKI-BALITA: Doc Willie Ong, unti-unti na raw gumagaling mula sa cancer