May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Marina Summers, may sagot; siya na nasaktan, siya pa nagpakababa kay Angel Galang

Marina Summers, may sagot; siya na nasaktan, siya pa nagpakababa kay Angel Galang
Photo courtesy: Marina Summers/Angel Galang (FB)

May tugon ang drag queen at Miss Universe Philippines 2026 host na si Marina Summers sa isang netizen na nagkomento tungkol sa pag-reach out niya sa kapwa drag queen na si Angel Galang, matapos nitong okrayin ang naging hosting style niya sa nabanggit na prestigious pageant.

Matatandaang inulan ng batikos si Angel matapos niyang punahin ang naging paraan ng pagho-host ni Marina, na kinambyuhan naman niya agad sa pamamagitan ng paglalabas ng public apology.

"Unang una sa lahat sorry mga alaga, award sena !! HARD loka!! Pero sorry I’m really really sorry hard especially to my sister , Marina," aniya.

"Na over express ako at I know na MALI TALAGA AKO."

"I want to take accountability and responsibility dito mga nak . Pero thank you talaga sa mga taong nag call out sakin para maging better person. Thank you din sa mga queens na nagsabi sakin na mali ang nagawa ko."

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Again, masaya ako para sa lahat ng achievements ng mga sisters ko TOTOONG BUHAY LANG !!" aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Angel Galang (FB)

Binasag na rin ni Marina ang kaniyang katahimikan hinggil sa mga nagtataas ng kilay, nang-ookray, at kumukuwestyon kung bakit siya ang napiling mag-host ng Miss Universe Philippines 2026.

Ayon kay Marina, isa sa pinakamahalagang tagumpay sa kaniyang karera at buhay ang pagiging host ng prestihiyosong pageant. Gayunman, hindi niya inaasahan ang umano’y “vile & alarming amount of transphobia, hate and even death threats” na ibinabato sa kaniya at maging sa kaniyang kapwa drag artist na si Angel Galang, na nauna nang magbigay ng kaniyang reaksiyon tungkol sa kaniyang hosting stint.

Iginiit din ng drag performer na hindi niya sinusuportahan ang paninira at pag-atake sa ibang tao sa kabila ng magkakaibang opinyon. Bagama’t nasaktan umano siya sa ilang naging pahayag laban sa kaniya, sinabi niyang hindi ito dapat gawing dahilan upang magpakalat ng poot.

Dagdag pa ni Marina, dala niya sa bawat trabaho at tagumpay ang hangaring makatulong sa mas malawak na pagtanggap sa LGBTQIA+ community. Kaya naman nanawagan siya sa kaniyang mga tagasuporta na pairalin lamang ang pagmamahal, kabutihan, at pag-unawa sa kapwa.

"And while I understand that there will be different opinions and some resistance to it, I did not expect the vile & alarming amount of transphobia, hate and even death threats thrown at me. Moreso, the hate and harassment being thrown to my sister, Angel."

"This is not what I stand for. This NEEDS TO STOP."

"Sa lahat ng trabaho at success na pinaghirapan natin, dala dala ko ang pag asa na iaangat nito ang pagtanggap sa LGBTQIA+. While I was admittedly hurt by her statements, I do not condone any hurtful and hateful words thrown at her because of it. Huwag itong gamiting excuse para manira ng kapwa. It just sets us back and everything we’ve worked so hard for just loses its meaning," aniya pa.

Ibinunyag din ni Marina na pribado na nilang naayos ni Angel ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

"Everyone is entitled to their opinions. What you are not entitled to is disrespect. While I may not be able to change everyone’s opinion, I would like to call on everyone who believes in me. I am truly grateful for all the outpour of love and support. I ask that you only spread love, grace and kindness to the people around you."

"Angel and I were able to resolve things privately. Let’s give her space and understanding," paliwanag niya sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Mayo 6.

Photo courtesy: Screenshot from Marina Summers (FB)

Sa huli, nagpasalamat si Marina sa mga patuloy na sumusuporta at nakauunawa sa kaniya sa gitna ng kontrobersiya.

Isang netizen naman ang nagkomento tungkol sa pag-reach out niya kay Angel.

Mababasa, "I hate the fact na ikaw na yung nasaktan ikaw pa yung magpapaka baba para kay Angel, but I also hate the fact that people are throwing hateful words to both of you. It could have been a celebratory night for you had someone just learned to shut their mouth."

Tugon naman dito ni Marina, "wala akong nakikitang masama sa pagpapakumbaba."

Photo courtesy: Screenshot from Marina Summers (FB)

Papuri naman ng mga netizen, talagang isang karakter ng pagiging "queen" ang ipinakita ni Marina.

Maki-Balita: 'This needs to stop!' Marina Summers, nagsalita sa iniisyung MUPH hosting niya