Binasag na ng drag queen na si Marina Summers ang kaniyang katahimikan hinggil sa mga nagtataas ng kilay, nang-ookray, at kumukuwestyon kung bakit siya ang napiling mag-host ng Miss Universe Philippines 2026, na ginanap noong Sabado, Mayo 2.
Ayon kay Marina, isa sa pinakamahalagang tagumpay sa kaniyang karera at buhay ang pagiging host ng prestihiyosong pageant. Gayunman, hindi niya inaasahan ang umano’y “vile & alarming amount of transphobia, hate and even death threats” na ibinabato sa kaniya at maging sa kaniyang kapwa drag artist na si Angel Galang, na nauna nang magbigay ng kaniyang reaksiyon tungkol sa kaniyang hosting stint.
Nakatanggap din ng panlalait si Marina mula sa film director na si Ronaldo Carballo, na kumuwestyon kung bakit isang transwoman ang biniling mag-host nito.
Iginiit din ng drag performer na hindi niya sinusuportahan ang paninira at pag-atake sa ibang tao sa kabila ng magkakaibang opinyon. Bagama’t nasaktan umano siya sa ilang naging pahayag laban sa kaniya, sinabi niyang hindi ito dapat gawing dahilan upang magpakalat ng poot.
Dagdag pa ni Marina, dala niya sa bawat trabaho at tagumpay ang hangaring makatulong sa mas malawak na pagtanggap sa LGBTQIA+ community. Kaya naman nanawagan siya sa kaniyang mga tagasuporta na pairalin lamang ang pagmamahal, kabutihan, at pag-unawa sa kapwa.
"And while I understand that there will be different opinions and some resistance to it, I did not expect the vile & alarming amount of transphobia, hate and even death threats thrown at me. Moreso, the hate and harassment being thrown to my sister, Angel."
"This is not what I stand for. This NEEDS TO STOP."
"Sa lahat ng trabaho at success na pinaghirapan natin, dala dala ko ang pag asa na iaangat nito ang pagtanggap sa LGBTQIA+. While I was admittedly hurt by her statements, I do not condone any hurtful and hateful words thrown at her because of it. Huwag itong gamiting excuse para manira ng kapwa. It just sets us back and everything we’ve worked so hard for just loses its meaning," aniya pa.
Ibinunyag din ni Marina na pribado na nilang naayos ni Angel ang kanilang hindi pagkakaunawaan.
"Everyone is entitled to their opinions. What you are not entitled to is disrespect. While I may not be able to change everyone’s opinion, I would like to call on everyone who believes in me. I am truly grateful for all the outpour of love and support. I ask that you only spread love, grace and kindness to the people around you.
Angel and I were able to resolve things privately. Let’s give her space and understanding," paliwanag niya sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Mayo 6.
Sa huli, nagpasalamat si Marina sa mga patuloy na sumusuporta at nakauunawa sa kaniya sa gitna ng kontrobersiya.
Sa kabilang banda, trending naman ang naging pahayag ni Marina tungkol sa mataas na standard ng pagpili sa future leaders ng bansa, kung gaano kataas din ang standards ng mga tao sa pagsuporta sa mga kandidata ng pageant.
Maki-Balita: Hirit ni Marina Summers sa standards sa pageants, tuhog din sa pagpili ng future leaders!
Samantala, ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2026 ay mula sa La Union na si Bea Millan Windorski.