May 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maris Racal, nagsalita na: 'I'm so embarrassed!'

Maris Racal, nagsalita na: 'I'm so embarrassed!'
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (FB)

Binasag na ni “Incognito” star Maris Racal ang kaniyang pananahimik kaugnay sa kinasasangkutan nilang kontrobersiya ng ka-loveteam niyang si Anthony Jennings. 

Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 6, inihayag niya ang kaniyang nararamdaman sa nangyari.

“I don’t know where to go. Whenever I go out whenever I walk I feel like a woman naked. Hindi ko alam ano gagawin ko. I'm so embarrassed,” saad ni Maris.

Nauna nito, humingi ng sorry si Maris sa lahat daw ng kaniyang nagawa.

“Today I will take the accountability for everything. Nagkamali ako and I want to say sorry for everything that I have done,” saad ni Maris.

Tsika at Intriga

Kris Aquino may health update, nagpositibo sa Covid-19!

BASAHIN: Maris Racal, aminado sa ginawang pagkakamali: 'I'm lonely and getting attention from Anthony'

Matatandaang nagsimulang pumutok ang isyu ng umano’y pagtataksil at paninira niya ng relasyon nang ilabas ng ex-partner ni Anthony ang mga pribadong pag-uusap nila nito.

MAKI-BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Anthony hinggil sa nasabing isyu.