December 05, 2024

Home BALITA

Lapagan ng resibo? Jam Villanueva, mas malinaw daw maglatag ng resibo kumpara sa OVP

Lapagan ng resibo? Jam Villanueva, mas malinaw daw maglatag ng resibo kumpara sa OVP
Photo courtesy: Jam Villanueva/IG, screenshot from HOR/YouTube and MB File photo

Tila hindi napigilan ng ilang netizens na iugnay ang isyu ng umano’y kuwestiyonableng mga resibo ng Office of the Vice President (OVP) sa usap-usapang mga “screenshots” na inilabas ni Jam Villanueva bilang resibo umano sa panloloko daw ng kaniyang ex-boyfriend na si Kapamilya actor Anthony Jennings at Kapamilya actress at on screen partner nitong si Maris Racal. 

KAUGNAY NA BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings

Anang netizens, mabuti pa raw kasi si Jam ay malinaw daw maglatag ng resibo, kumpara sa OVP na kung sino-sino ang nakalagay sa mga liquidation reports ng kanilang transaksyon.

Matatandaang na-kuwestiyon noong Nobyembre 5, 2024 ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang acknowledgement report na ipinakita ng OVP hinggil sa liquidation reports kaugnay pa rin ng umano’y ₱23.8M confidential funds ng OVP kasama ang Department of Education na nasa ilalim noon ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte, bago niya bitawan ang pagiging kalihim ng nasabing ahensya.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Hindi raw kasi kumbinsido ang naturang komite sa paglutang ng signatory ng halos mahigit 1,200 umanong resibong pirmado ng isang Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin na ipinasa ng Office of the Vice President sa Commission on Audit (COA) upang mapatunayan lang daw ang pinagkagastusang ₱125M expenditures ng OVP.

KAUGNAY NA BALITA: 'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?

KAUGNAY NA BALITA: ‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA

Ang Facebook page na “We are Millenials,” mabilis silang nagbigay ng kanilang entry nitong Disyembre 4, patungkol sa resibo raw ni Jam.

“JUST IN: Ginawaran ng COA ng unqualified opinion o highest audit rating si Jamela Villanueva para sa kaniyang mga resibo,” anang naturang page. 

Isang netizen din ang hindi nagpahuli sa kaniyang FB post at iginiit na buti pa raw ang tsismis may resibo ngunit ang confidential funds, olats! Ang nasabing post na ito ay umabot na sa halos 4K shares.

“Buti pa siya may resibo.”“Sara Duterte just can’t.”

“Sinetch itey? Walley pa ring resibo!”

“True the fire!!”

“VP Sara left the group!”“Naglabas nga yung isa, nowhere to be found naman sila!”

Nagkalat ngayon sa social media ang mga resibong nag-uugnay umano kina Anthony at Maris matapos tahasang basagin ni Jam ang kaniyang pananamik hinggil sa umano’y hiwalayan nila ni Anthony dahil kay Maris. 

KAUGNAY NA BALITA: #BaliTanaw: Ang break-up statements nina Maris at Anthony sa mga ex-jowa nila