December 02, 2024

Home BALITA

Doc Willie Ong, unti-unti na raw gumagaling mula sa cancer

Doc Willie Ong, unti-unti na raw gumagaling mula sa cancer
Doc Willie Ong/Facebook

"Everyday is a MIRACLE day for me."

Ito ang saad ng senatorial aspirant na si Doc Willie Ong sa kaniyang health update nitong Lunes, Disyembre 2. 

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Ong na hindi man niya maikwento lahat pero maraming milagro daw ang ibinibigay ng Diyos sa kaniya. 

"Everyday is a MIRACLE day for me!!! Sobrang daming milagro ang binibigay ng Diyos sa akin. Hindi ko ma-i-kwento lahat sa inyo dahil napakalalim ng pinagdaraanan ko at baka hindi niyo maintindihan.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

"Buhay na buhay ang Diyos sa isipan at puso ko. Ang mga 10 over 10 pain ko, biglang magiging zero pain. Ang katawan ko unti-unting nanunumbalik sa dati," ani Ong. 

Kuwento pa niya, inamin sa kaniya ng doktor niyang si Dr. Ang Peng Tiam, noong Agosto 25, na mahirap daw gamutin ang stage 4 sarcoma cancer. 

Kaya raw ngayong araw daw ay nagulat at napangmangha raw ang mga doktor at nars sa Singapore dahil sa milagro ng Diyos. 

Samantala, inilahad niya ang kaniya raw misyon.

"Ang matulungan ang maraming Pilipino sa abot ng aking makakaya. Wala akong ipapangako pero gagawin ko ang LAHAT LAHAT para sa inyo. Hindi ko na hawak ang buhay ko. Diyos na ang nag-ga-gabay sa akin," saad ni Ong. 

Matatandaang noong Nobyembre 25, sinabi ng senatorial aspirant na patuloy raw na lumiliit ang kaniyang bukol at nauubos na ang active part ng cancer.

BASAHIN: Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara