December 02, 2024

Home BALITA

Dalawang senior citizen, patay matapos anurin ng baha sa CamSur

Dalawang senior citizen, patay matapos anurin ng baha sa CamSur
Photo courtesy: Pexels

Natagpuan na ang bangkay ng dalawang senior citizen na inanod umano sakay ng isang e-trike sa Barangay Biong, Cabusao Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng 103.1 Brigada News FM - Naga City nitong Lunes, Disyembre 2, 2024, apat na senior citizen ang umano’y kumpirmadong sakay ng isang e-trike na inanod ng malakas na baha noong Disyembre 1, 2024, kung saan dalawa ang naiulat na agad na nakaligtas. 

Samantala, naibalita rin ng naturang regional news outlet na natagpuan na raw ang labi ng dalawang senior citizen na kinilalang sina Jun Grimploma at Jessie Delos Santos.

Sa panayam ng Brigada Naga sa head ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office na si Jose Reyes IV, sinabi niyang agad daw narescue ang dalawang senior citizen na sina Ernesto Garcia at Ronnie Presbitero noong Disyembre 1, habang inabot pa ng halos magdamag bago natagpuan ang bangkay ng nasabing mga biktima. 

National

Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

Matatandaang muling naranasan ng Bicol region ang malawakang pagbaha sa unang araw ng Disyembre kung saan ilang probinsya rin ang nakaranas ng pagguho ng lupa. Nauna namang linawin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na tanging shearline lang ang kasalukuyang nakakaapekto sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang lugar sa Bicol region muling binaha!