Tila proud na proud na ibinalandra ni Chloe San Jose ang kaniyang jowa na si two-time Olympic gold medalist Carlos “Golden Boy” Yulo sa kaniyang social media accounts.
Sa pamamagitan ng Facebook post noong Nobyembre 30, 2024, ibinida ni Chloe ang ilang mga larawan nila ni Caloy at sinabing nagsisilbi raw siyang inspirasyon ng kabataan.
“Another award, another moment of pride. My man inspiring the youth & mga atletang pilipino one achievement at a time! I'm just always so proud to stand by your side and celebrate all that you are, mahal ko—CONGRATULATIONS Carlos,” ani Chloe.
Ang tinutukoy ni Chlose na awards, ay ang natanggap ni Caloy mula sa isang magazine brand, kung saan itinanghal si Golden Boy na “Athlete of the Year” at “Man at His Best.”
KAUGNAY NA BALITA: 'Golden Boy' Carlos Yulo, itinanghal na Athlete of the Year!
Samantala, sa hiwalay na Instagram post naman ay nagpasalamat si Caloy sa naturang mga parangal na natanggap at sinabing para daw ang mga iyon sa mga kabataan at atletang Pinoy.
“Ang maparangalan ng @esquireph Athlete of the Year 2024 ay higit pa sa achievement, dahil hindi lang po ito para sa akin... kundi para sa lahat ng nangangarap na kabataan at mga atletang pilipino ,” saad ni Caloy.