December 09, 2024

Home BALITA

PBBM may payo sa mga sundalo: 'Huwag kayong nalilinlang sa mga nangyayari'

PBBM may payo sa mga sundalo: 'Huwag kayong nalilinlang sa mga nangyayari'
Photo courtesy: Bongbong Marcos/Facebook

Malinaw ang iniwang mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ilang mga sundalo sa Camp General Guillermo Nakar sa Lucena City noong Nobyembre 29, 2024. 

Sa kaniyang talumpati bilang parte ng pagbibigay niya ng pagkilala sa mga sundalo ng Southern Luzon Command (SOLCOM) sa pagpapatuloy nila ng “anti-insurgency” campaign ng pamahalaan, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga sundalo na huwag daw magpalinlang sa mga nangyayaring gulo sa pamahalaan at manatili raw ang mga ito sa kanilang totoong trabaho. 

“Huwag kayong nalilinlang sa mga nangyayari. Let’s stay focused. Pare-pareho tayo. Ako, ganoon ang isip, pagkamarami -- maingay ang nangyayari, iniisip ko lagi: ano ba talaga trabaho ko? Trabaho ko ba’y makipag-away diyan? Trabaho ko makipagdebate diyan sa mga walang kwentang bagay?” ani PBBM.

Muli niya ring iginiit sa mga sundalo ang totoong misyon daw nila bilang tagaprotekta ng mamamayang Pilipino at Republika ng Pilipinas. 

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“Your mission is to defend  the people and the Republic --- the people of the Republic of the Philippines and the state of the Republic of the Philippines,” anang Pangulo. 

Matatandaang kamakailan lang ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang manawagan sa militar na almahan umano ang pamamalakad ng administrasyon ni PBBM na tinawag niyang “fractured government,” sa kasagsagan ng gulo sa pagitan ng Pangulo at ni Vice President Sara Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Panawagan ni Ex-Pres. Duterte sa militar, 'dangerous and reckless' —Cong. Benny Abante

Kaugnay nang maturang pahayag ni PRRD, inihayag naman ng Department of Justice (DOJ) na pinag-aaralan daw nila ang posibilidad na mabigyan din umano ng subpoena ang dating Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: Ex-President Duterte, posible rin daw mabigyan ng subpoena ng NBI