December 09, 2024

Home FEATURES Trending

Girlfriend, kinamuhian ng jowa dahil aksidenteng nalabhan ang relo nito

Girlfriend, kinamuhian ng jowa dahil aksidenteng nalabhan ang relo nito
photos courtesy: Pexels, Reddit

Nag-rant ang isang babae tungkol sa boyfriend niyang kinamumuhian siya mula no'ng aksidente niyang nalabhan ang relo nito kung kaya't nasira.  

Sa isang online community na Reddit, ibinahagi ng babae ang tila sama ng loob niya sa kaniyang kinakasamang nobyo. 

Kuwento ng 31-anyos na babae, aksidente raw niyang naisama sa washing machine yung galaxy watch ng boyfriend niyang 32-anyos dahilan kung bakit galit na galit ito sa kaniya, to the point daw na kinamumuhian siya nito. 

"Accidentally kong naisama sa washing machine ung galaxy watch ng boyfriend (32M) ko. Ngayon, galit na galit sya sa akin to the point na nung gusto ko makipagusap sa kanya, ang sabi nya sa kin: kinamumuhian kita simula nung sinira mo watch ko.

Trending

Lalaki, nalulong sa sugal; ipon na ₱800K, naglaho na lang parang bula

"Syempre ang sakit sa kin nun na iyak lang ako ng iyak. Di ko alam kung pano magfufunction sa trabaho kasi nga tumatakbo lang un sa isip ko. Sinabi ko na sa kanya maghiwalay na lang kami kasi parang masok un sa sitwasyon namin ngayon," rant ng babae.

Bago ipagpatuloy ang kuwento, naibahagi ng uploader na nag-migrate siya sa ibang bansa bilang estudyante. Sumunod daw ang boyfriend niya sa kaniya para doon na raw mag-apply pero dahil sa istriktong polisiya, siya lang nagtatrabaho para sa kanila.

"Nagmigrate ksi ako (31F) sa ibang bansa as a student para umayos syempre buhay ko and magiging buhay ng magiging pamilya ko. Eto namang boyfriend ko, sumunod and dito sana kami magaapply ng work permit kso nga nagsunod sunod ang bagsak ng strict na policy so ang nangyari, eto. Ako nagtratrabaho for us tapos sya, kasama ko lang talaga dito," anang babae.

Sumunod nito, ikinuwento niya na tila pinamumukha sa kaniya ang kasalanan niya talaga raw ang nangyari. 

"Tas yun nga, aksidente ko nga naisama sa labahan watch nya. Nagalit sya sa kin kasi nga kasalanan ko daw un fully. Hindi ko daw sya nirespeto nun. Dapat daw kasi, bago maglaba, chinecheck ko ung mga bulsa para sure na walang naiiwan. Eh hindi ko ugali magcheck nun ksi ang assumption, once nilagay mo na sa basket, wala nang nakalagay na importante dun diba?

"Ngayon, naghahanap kami ng paraan para mapawork un. Nabuksan nya na nung isan araw after nya itry ayusin pero ngayon, ndi na nagbubukas ung screen. So galit na naman sya. Sinasabi na naman nya sa kin na kasalanan ko fully.

"Naiinis ako na bakit kasalanan ko na naman? Ano na naman ginawa ko? Oo kasalanan ko na ndi magdouble check ng mga bulsa ng pants bago maglaba. Pero kasalanan ko ba na nakalagay sa pants nya un? Hindi ko naman sinasadya un eh. Hindi ko ginusto ung mangyari. Para magalit sya ng ganto. Nakakainis lang na sobra sobra to the point na sabi nya: suffer the consequences of your action. Kung aayaw ako, kasalanan mo un kasi ang careless mo sa gamit.

"Nakakainis lang. Nakakainis and masakit ung mga binitawan nya na salita," paglalabas ng sama ng loob ng babae. 

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang post:

"How can you say "kinamumuhian kita" sa special someone mo over a material thing? Red flag OP, dump him, you deserve better."

"THIS. Mas mahal pa niya ata galaxy watch niya kesa kay OP lol kakaloka!!"

"This needs to be higher. If that’s his reaction to something so simple, he’s a huge walking red flag. This won’t be the last mistake you’ll make and obviously things can be tougher than they are now. Stay if you want to be blamed for everything wrong that happens in life and if you want a person who refuses to share accountability."

"parang bata naman bf mo OP. knowing na ikaw na tong nag wowork tas ikaw pa maglalaba imbes na sya tong walang ginagawa."

"I’m assuming dependent mo sya? Partner visa ang hawak nya. Ang yabang naman nyan eh dependent naman sa’yo. Kapag sinabi pa ulit nya yan sa’yo ibalik mo sa kanya: bakit hindi ikaw maglaba? Ipapasok na lang sa machine di mo pa magawa? hindi pala ako marunong maglaba eh, edi ikaw maglaba ng damit mo! Nanggigigil ako sa bf mo, OP. Mag-isip isip ka na. Consequence of my action my ass.. hwag mo hayaan maging doormat ka nyang palamunin na yan."

"Hindi mo kasalanan. UNA sa lahat, HE’S A GROWN ASS MAN and RESPONSIBILITY niya yan icheck bulsa ng mga damit niya before ilagay sa laundry basket. Pasalamat nga siya, meron naglalaba para sa kanya. UGHHHHH NAKAKAIRITA MGA LALAKI NA TULAD NIYA. OP, red flag na yan. Di pa kayo kasal, bakit ka magpapakahirap para sa isang lalaki. Palayasin mo na yan. Bahala siya sa buhay niya. Ikaw na nga magsusustento para sa inyong 2, ikaw pa maglalaba ng labada. Di ba niya yun kayang gawin since wala naman siya trabaho?!"

"The nerve pucha considering na ikaw nagtratrabaho sa inyo. Pwedeng kasalanan mo na hindi ka nagcheck ng mga laman ng bulsa ng labahin, pero hindi mo kasalanan fully yan. As nagsuot nung clothing, dapat responsible enough din sya to check na walang laman yung mga bulsa bago isama sa labahin. Ibalik mo sa kanya yung linyahan nya na suffer the consequences of your action. Hiwalayan mo at palayasin mo na."

"Hindi mo pa asawa pero ganyan na siya sayo. Yun ngang asawa ko yung airpods nya naiwAshing machine ko at nasira.Hanggang inis lang siya dahil siya naman may kasalanan..Pauwiin mo na yang freeloader na yan OP tutal ikaw na nagwowork tapos ikaw pa ang na verbal abuse."