December 09, 2024

Home FEATURES

Guinness World Records, kinumpirma pagpanaw ng pinakamatandang lalaki sa buong mundo

Guinness World Records, kinumpirma pagpanaw ng pinakamatandang lalaki sa buong mundo
Photo courtesy: Guinness World Records/website

Inihayag ng Guinness World of Records ang pagpanaw ng pinakamatandang lalaki sa buong mundo, Martes, Nobyembre 26, 2024 

Pumanaw si John Tinniswood noong Lunes, Nobyembre 25, sa edad na 112-anyos habang nasa home care center sa Southport, Northwest England.

Sa ibinahaging pahayag ng Guinness mula sa pamilya ni Tinniswood, pumanaw raw siya nang puno ng pagmamahal at musika sa kaniyang paligid.

“John always liked to say thank you. So on his behalf, thanks to all those who cared for him over the years, including his carers at the Hollies Care Home, his GPs, district nurses, occupational therapist and other NHS staff,” saad ng pamilya ni Tinniswood.

Kahayupan (Pets)

May sakit na, inabandona pa ng pamilya? Fur mom, umapela para sa rescued cats

Si Tinniswood, na ipinanganak noong Agosto 26, 1912, ay nanilbihan sa ilalim ng Royal Army Pay Corps noong kasagsagan ng World War II at nagretiro noong 1972.

Samantala, ngayong 2024 lang din nang hirangin siya bilang “world’s oldest man” matapos ang naging pagpanaw noon ng Venezuelan na si Juan Vicente Perez sa edad 114-anyos. 

Sa naging panayam noon ng media kay Tinniswood, nag-iwan lang ito ng maiksing mensahe. 

“You either live long or you live short, and you can’t do much about it,” ani Tinniswood.

Bukod dito, nagbigay-payo rin ang oldest man sa mga nakababatang henerasyon.

“Always do the best you can, whether you’re learning something or whether you’re teaching someone. Give it all you’ve got. Otherwise it’s not worth bothering with,” aniya.

Matatandaang pumanaw na rin ang pinakamatandang babae sa buong mundo na si Maria Branyas sa edad na 117, noong Agosto. 

 KAUGNAY NA BALITA: ‘World oldest person’ pumanaw na; sino nga ba ang papalit?

Samantala, wala pang nababanggit ang Guinness kung sino ang nakatakdang pumalit sa record ni Tinniswood.