November 27, 2024

Home BALITA

Cardinal Advincula, umapela sa mga mamamayan ng panalangin para kina PBBM at VP Sara

Cardinal Advincula, umapela sa mga mamamayan ng panalangin para kina PBBM at VP Sara
Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula via CBCP News

Umaapela si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga mamamayan na ipagdasal ang mga lider ng bansa, sa gitna ng patuloy na bangayan ng kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang nangyayaring ‘political storm’ sa mga matataas na lider ng bansa ay magdudulot lamang ng pagkaubos ng enerhiya na dapat sana ay gamitin sa paglilingkod sa pangangailangan ng mga Pilipino.

“I humbly exhort you all to pray for them that they may receive the grace to exercise statesmanship in most trying times so that sobriety may prevail in our land, and that political issues and personal interests may not divide the nation,” pahayag pa ng Cardinal, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Binigyang-diin rin ng cardinal na mahalagang may pagkakaisa ang mga lider lalo’t patuloy bumabangon ang mga Pilipino sa epekto ng magkakasunod na malalakas na bagyo.

National

Araw ni Bonifacio, 'di mababago ang petsa —Palasyo

“It is our prayer that they may have the humility to listen to each other with respect and act together for the sake of the country. I also ask all the leaders of good will from different sectors of our society to do what they can to prevent the escalation of political and personal conflicts,” aniya pa.

Umaasa rin naman si Cardinal Advincula na magkaroon ng kababaang loob at kahandaang makinig upang magkasundo ang magkatunggaling panig.

“Let us all pray for forgiveness and reconciliation, never doubting God’s grace and love for His people,” dagdag ng arsobispo.