Lumikha ng ingay ang mga larawan ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo kasama si House Speaker Martin Romualdez at iba pang mga kongresista, matapos ang naging pahayag ng House Speaker sa mga naging pahayag naman ni Vice President Sara Duterte laban sa kaniya, at sa kaniyang pinsang si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, at asawang si First Lady Liza Araneta Marcos.
Batay sa mga larawang ibinahagi ni GMA news anchor Raffy Tima sa GMA News official Facebook page, makikita si Arroyo na naka-thumbs up kasama ng iba pang co-solons, matapos ang speech ni Romualdez.
Binigyang-kahulugan naman ito ng mga netizen batay sa mga mababasang reaksiyon at komento nila sa comment section ng post.
"You better side the truth FPGMA, else you’ll be hated by the Kapampangans lalo may history ka na!!!"
"Hala bumabaligtad na ba hahahaha."
"Protect the Filipino people hindi yung sarili nyong kapakanan."
"Sunod sa agos ang mga alipores para di mapag initan at di makalkal ang mga baho Magsi handa na kayo sa susunod na kabanata! Tapal tapal money talks nowadays."
"Napagkaisahan na si inday. Sino ba naman hindi magagalit kay inday, yung 125M dinaan lang sa chichiriya. "
"Baket malungkot c GMA pagthumbs up?"
Maging ang Kakampink na abogado at political analyst na si Atty. Jesus Falcis ay nagpahayag din ng kaniyang saloobin patungkol dito.
"Gloria Arroyo gave a thumbs up to Martin Romualdez’ speech against Sara Duterte. THE BOAT IS SINKING!! Abandon (Duterte’s) ship," aniya sa kaniyang Facebook post nitong Nobyembre 25.
Samantala, wala pang reaksiyo, tugon, o pahayag ang kampo ni Cong. GMA patungkol dito.