December 09, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney
Photo courtesy: via Manila Bulletin/Marou Pahati Sarne (FB)

Viral ang Facebook post ng isang pasaherong netizen matapos niyang ibahagi ang kaniyang pananaw patungkol sa modern jeepney, na regular nang nasasakyan sa kasalukuyan.

Saad ni "Marou Pahati Sarne" sa kaniyang post noong Nobyembre 4, para sa kaniya, mas maganda pa ring sumakay sa makaluma o tradisyonal na jeep.

Inisa-isa niya ang dahilan kung bakit niya nasabi ito, batay sa kaniyang karanasan. Aniya, unang beses daw siyang nakasakay sa modern jeep at masasabi niyang mas maayos pa raw sumakay sa tradisyonal na jeep.

"First time kong sumakay sa modern jeep. Mas maayos pa yatang sumakay sa traditional jeepney. Dito, isiniksik ang mga pasahero na parang sardinas, hindi mo maramdaman ang aircon kasi laging nakabukas ang pinto dahil pasakay sila ng pasakay ng pasahero, at pumapasok din ang usok ng mga sasakyan sa labas dahil nga nakabukas yung pinto," aniya.

Human-Interest

Kagaya ng toys: Mga kulay, genderless din giit ng mommy-vlogger

"At nang bababa na ako, halos di ako makadaan dahil sobra talagang siksikan sa gitna. Naaapakan ko na yung mga nakatayo. Sabi nung konduktor, palitan na lang ng puwesto. Sabi nung isa: nagkakapalitan na nga kami ng mukha."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Exactly talaga Tita. Kaya I say wala pong nagbago sa public transport system ng Pilipinas. Nilagyan mo nga ng aircon ang jeep pero hindi mo naman natanggal ang mindset ng driver na magsiksikan. Hindi nadisiplina ang pagiging kaskasero nila. Hindi mo naayos ang traffic. In short what you implemented wasn't enough to lift them out of poverty and prompt a behavior change. Hay."

"Basta privatized ang transpo. Walang limit sa capacity lalo na sa rush hour. Kailangan kumita kada byahe. Pero pag government ang humawak nyan walang need para iexceed ang capacity kasi walang profit. Sakto lang sa operation ang costing."

"Palagi nga ako nakikipagsiksikan HAHAHAH one time di na nila nasara pinto sa sobrang dami ng sakay. Isa ako sa mga nakikipagsiksikan kasi ang hirap sumakay e mag iinarte kapa ba HAHAHA eh sa jeep naka upo ka nga kalahating pwet lang, tumalon lang ng onte yung jeep mapapaupo ka talaga sa sahig HAHAAHA."

"Punta ka abroad nakatayo din nman sa mga buses at trains pag rush hour. May choice ka nman hwag sumakay kung wla na maupuan!"

"Grabe dapt tlga may passenger capacity pra namn sana telax lang ang pasahero, nangyayari tuloy stress ang naidudulot, kaso minsan naman yung iba kase makasaky lang at makauwi ok na sa kanila."

Matatandaang hanggang sa kasalukuyan ay mainit pa ring pinagtatalunan ang full-blown na implementasyon ng traditional jeepney phaseout para sa pagpapatupad ng jeepney modernization. 

Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 49k reactions, 8k shares, at 4.3k cooments ang nabanggit na viral post. 

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?