November 25, 2024

Home BALITA National

Occidental Mindoro, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

Occidental Mindoro, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 4.0-magnitude na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro dakong 11:27 ng umaga nitong Lunes, Nobyembre 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 103 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.