December 27, 2024

Home BALITA

Giit ni VP Sara, ginawa raw siyang 'punching bag' ng gobyerno para pagtakpan umano ang 'kalokohan' nito

Giit ni VP Sara, ginawa raw siyang 'punching bag' ng gobyerno para pagtakpan umano ang 'kalokohan' nito
Photo courtesy: screenshot from Inday Sara Duterte/Facebook

Muling naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte noong Linggo ng gabi, Nobyembre 24, 2024, hinggil sa trato raw sa kaniya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sa pamamagitan ng Facebook live, iginiit ng Pangalawang Pangulo na tila ginawa raw siyang “punching bag” ng rehime ni PBBM.

“Wala na kayong mapuna sa akin, pinagtatakpan ninyo ang mga kakulangan ng pamahalaan,” anang Bise Presidente.

“Ako ang ginagawa ninyong punching bag para hindi napapansin, nakikita, naririnig ng mga tao ang kalokohan ang korapsyon at ang katiwalian na ginagawa sa gobyerno,” giit ni VP Sara. 

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Saad ni VP Sara, ayaw daw siyang tigilan ng kaniyang mga kritiko sa gobyerno dahil hindi na raw kasi siya mapasunod nito.

“Ayaw nila tayong tigilan dahil hindi tayo sumusunod sa kanila, hindi tayo nabibili ng pera. Ano pa ba ang kailangan ng tao na sanay sa hirap na wala na siyang ibang alam kundi ang maging mahirap dahil hindi niya nakikita ang hustisya mula sa gobyerno,” saad ni VP Sara. 

Matatandaang kamakailan lang ay nauna nang maglabas ng pahayag si VP Sara at sinabing si First Lady Liza Marcos daw ang umano’y sangkot sa korapsyon na pilit daw idinidikit sa Office of the Vice President (OVP). 

KAUGNAY NA BALITA: Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si PBBM hinggil sa mga paratang at tirada ni VP Sara.