December 09, 2024

Home FEATURES Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'
Photo courtesy: Freepik/via Klasik Titos and Titas of Manila (FB)

Isa ka rin ba sa mga naiirita kapag matagal ang transaction ng isang tao sa automated teller machine o ATM, lalo na kung mahaba na ang pila?

Ang Automated Teller Machine (ATM) ay isang elektronikong aparatong ginagamit upang magbigay ng mga serbisyong pinansyal sa mga tao nang mabilis at madali. Karaniwang ginagamit ito para sa mga transaksyon tulad ng pagkuha ng pera o withdrawal, pagdedeposito, paglipat ng pondo, at pag-check ng balanse ng isang bank account.

Kadalasan, may mga tao talagang medyo napapatagal sa mga transaksyon nila kapag turno na nilang gumamit ng ATM.

Iyan ang pinag-usapan sa Facebook page na "Klasik Titos and Titas of Manila" tungkol sa mga matatagal gumamit ng ATM. Saad ng mga netizen, isa raw ito sa mga maituturing na "pet peeve" o nakaka-turn off na behavior ng ilan.

Human-Interest

Kagaya ng toys: Mga kulay, genderless din giit ng mommy-vlogger

"Pet peeve ko talaga yung parang nag Fafacebook sa ATM dahil sobrang tagal " mababasa sa caption.

Kalakip naman nito ang screenshot ng isang netizen na nagkuwento tungkol sa isang gumagamit ng ATM na halos 20 minuto na raw sa tagal at sinigawan nang "Ano yan te? Kalahating milyon?" ng iba pang nasa pila.

Biro tuloy ng admin ng page, baka may "pautang" daw ang nabanggit na nagwi-withdraw.

"Pero on a serious note sa mga may pautang dyan dapat po 2-3 cards at a time lang po gawin nyo. Tapos balik po kayo sa dulo ng pila. Give way sa iba na nangangailangan pag naman nawala yung pila solo nyo na ulit yung ATM."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"kala mo nagte-tetris pa sa machine eh HAHAHAHHAHAHAHA"

"Same pet peeve, akala mo uubusin na yung laman eh hahahaha."

"ung iba kasi meron may pasanla ng atm. kaya ang tagal sobra.sinasabay sabay nila mag withdraw. minsan nakakapikon din.. sana kahit 2 atm at a time muna. then pagbigyan nya ung sususnod. then sya ulit. alternate ba. wlang konsiderasyon karamihan eii."

"People should only do a maximum of 2 transactions in an ATM, as a courtesy to others in line. Kung marami talagang transaction, just fall in line again to let others complete their transactions."

"Di ko kinakaya ung nagwiwithraw ng 10 atm cards juskwa hahaha"

"Yung mga ganyan nirereport ko sa guard eh"

"Shoutout po sa mga may negosyong lending sa ATM. Hindi niyo pag-aari ang mga ATM para magwithdraw ng 20 atm cards kahit na sobrang.haba na ng pila. Wag makapal ang pagmumukha. Yung iba sa inyo ilegal na nga ang tatapang pa."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 26k laugh reactions, 2.4k shares, at 853 comments ang nabanggit na viral FB post.