December 26, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Nadine Lustre, mas bet na ang music kaysa teleserye

Nadine Lustre, mas bet na ang music kaysa teleserye
Photo Courtesy: Nadine Lustre (IG), Screenshots from Careless Music, Viva Films (YT)

Inamin ng award-winning actress na si Nadine Lustre na sa kasalukuyan ay mas matimbang daw para sa kaniya ang music kaysa pag-arte sa teleserye.

Sa eksklusibong panayam ng PUSH kamakailan, sinabi ni Nadine na na-eenjoy daw niya ang creative process ng paglikha ng kanta.

“Honestly, if you were to ask me if I would do teleserye or music, I would pick music. Just because I prefer the creative process even more and also just the work that needs to be put in,” saad ni Nadine.

Kaya naman hindi na nakapagtataka nang aminin din ng aktres na nami-miss niyang magtanghal sa entablado.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Aniya, “I miss performing [and] I miss singing. I miss conceptualizing an album so I really want to so let’s see next year.”

Samantala, inaasahan naman niyang makakapaglabas siya ng bagong kanta sa susunod na taon.

“Pero,” pasubali niya, “ayoko magsalita ng patapos kasi baka mamaya hindi nanaman mangyari.”

Matatandaang “Overgrown.” pa ang huling kantang inilunsad niya noong 2023. Nagkaroon ito ng halos dalawang milyong stream sa Spotify.