Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Sarangani nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:47 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 35 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kiamba, Sarangani, na may lalim na 424 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.