November 23, 2024

Home SHOWBIZ Blind Item

Influencer na 'kagagahan' content, gusto pa sinusubuan ng PA habang pinapalitadahan ng make-up?

Influencer na 'kagagahan' content, gusto pa sinusubuan ng PA habang pinapalitadahan ng make-up?
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)/Pexels

Curious ang mga netizen sa blind item ng showbiz insider at showbiz-oriented game show host na si Ogie Diaz tungkol daw sa isang social media influencer na may engkuwentro sa isang make-up artist.

Tila nag-share kay Ogie ang make-up artist tungkol sa influencer na ito habang mine-make-upan niya.

Habang busy raw kakadutdot ng cellphone, ang mas ikinaloka ni Ogie ay sinusubuan pa raw siya ng personal assistant sa pagkain.

"Minsan, na-shock si Make Up Artist. Kasi me mine-make apan siyang isang influencer," kuwento ni Ogie sa kaniyang Facebook post

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Di ko kinaya yung pindot nang pindot ng celfone ang lola mo habang mine-make apan. Okay lang naman yon. Ang di ko kinaya, gusto mo yung habang minemeyk-apan mo, sinusubuan siya ng PA? Kasi nga, celfone nang celfone! Ayaw ibaba!"

“Juice ko, ba’t ba ganyan ang ibang influencers? Sumikat lang sa digital, parang daig pa ang totoong artista na nagsimula talaga sa pinakababa, pero hindi naman ganyan ang asta?”

Si Ogie naman ay may personal na engkuwentro rin sa nabanggit na influencer.

"Eto din yung nakita na ako sa isang event, gusto pa yata niya, siya lalapitan at babatiin ko. Ngumiti na ako, di man lang sinuklian ng ngiti."

"'Baka nahihiya lang sa yo, Mama Ogs,' sabi ng make up artist."

“Kung ano-anong kagagahan ang kino-content mo, mahiyain ka sa personal? Di ko gets.”

"Anyway, baka nga ganon talaga siya, kaya imbes na mabuwisit eh deadma na lang. Hehehe."

Samantala, hindi naman nag-iwan ng clue si Ogie kung sino sa influencers ngayon ang tinutukoy niya.