November 22, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global
Photo Courtesy: Regine Velasquez (FB, IG)

Ibinahagi ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang isang liham na natanggap niya mula sa ABS-CBN Digital Team matapos siyang tila maetsa-pwera sa billing ng MYX Global.

Sa isang Instagram post ni Regine nitong Huwebes, Nobyembre 21, makikitang nakasaad sa liham ang paghingi ng paumanhin dahil sa hindi umano sinasadyang pagkakamali sa nailabas na promo material.

"We have deep respect and admiration for your craft and remarkable contribution you have given the music industry. We will strive to do better moving forward,” saad ng ABS-CBN Digital Team.

Sabi naman ni Regine sa caption ng post. “Oh thank you very much didn’t have to but I appreciate it #kalma ”

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Matatandaang inalmahan ng ilang netizens ang tila hindi makatarungang promo material ng MYX Global na sa kasalukuyan ay burado na ang orihinal na post. Ngunit ibinahagi ito ng isang fan page na may pangalang “Regine Velasquez Performances.” 

Makikita na habang sina Fyang Smith, James Reid, Jhoanna Robles, at Maloi Ricalde ay nasa bahaging itaas ng billing, si Regine naman—na isang Asia’s Songbird–ay nasa ibaba at parang isiningit lang umano kahanay sina Gloc-9, Chloe San Jose, Alexa Ilacad, KD Estrada, at Elijah Canlas. Narito naman ang ilang komento ng fans:

“Ginawang startlet si Rejin ”

“Nilevel ang ate kay Chloe San Jose? Kaloka”

“NAKAKAHIYA ANG MYX Global SINO BA ANG INCHARGE SA MGA PUBLICATION MATERIALS NIYO AT SINO RIN ANG NAG APPROVED NITO?? NAKAKALOKA!!”

“Nakakahiya naman to...Si ms. Regine n un last ang liit p ng pic.......respeto namn QUEEN PO YAN..”

“Maling-mali… WALang respeto sa Icon/Legend ha.. mag excuse excuse nga kayo!”

“Chloe San Jose? Cost cutting ba? Hahahahaha Tapos si idol nasa dulo pa. ”

“Juzko kakahiya itong Myx nato”

Samantala, sa isa namang TikTok video, nagbigay ng pahayag si Regine kaugnay sa sinasabi niyang lipas na raw ang kaniyang panahon sa larangan ng pagkanta.

MAKI-BALITA: Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'