December 23, 2024

Home SHOWBIZ Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'
Photo Courtesy: Christian Antolin (FB), Freepik

Naghimutok ang content creator na si Christian Antolin tungkol sa isa umanong artistang nakatabi niya sa first solo concert ng nation’s girl group na BINI.

Sa Facebook MyDay ni Christian nitong Huwebes, Nobyembre 21, sinabi niyang hindi raw niya kinaya ang ugali ng nasabing artista.

Kuwento niya, “May nakatabi akong artista sa BINI concert tapos nasa dulo ako ng upuan. Di ko lang kinakaya ‘yong ugali kasi kapag aalis sila buong pamilya sa inuupuan nila. Tapos kapag babalik, ‘di man lang magsabi ng ‘excuse me’ ni isa sa kanila. Like, hello? Pipi na ba kayo? Nabili n’yo na ba ‘yong buong araw?” 

“Clue: Isa siyang dating Sang’gre,” dagdag pa ni Christian.

Blind Item

Ogie Diaz, pinag-iingat guwapong aktor na mahilig humarot ng chicks

Pero maliban dito, wala na siyang binanggit na iba pang detalye tungkol sa pagkatao ng tinutukoy niyang artista. 

Kaya abang-abang na lang muna sa ngayon kung papangalanan ba ni Christian ang artistang tila nakaimbyerna sa kaniya sa gabi ng concert.