December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay
Photo Courtesy: Bea Alonzo (FB)

Ibinahagi ni Kapuso star Bea Alonzo ang dahilan kung bakit ayaw na niyang gumawa pa ng new year’s resolution sa darating na 2025.

Sa latest episode ng vlog ni Dr. Aivee Aguilar Teo kamakailan, sinabi ni Bea na isasabuhay na lang daw niya ang mga gusto niyang resolution para sa sarili.

“As soon as maybe today, I’d like to live by those resolutions already. It doesn’t matter if it’s the start of the year or not,” saad ni Bea.

Dagdag pa niya, “But I have goals for 2025 that I want to achieve. And I will aggressive in like really putting the work to achieve those goals.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Gayunman, ayon sa aktres, kung may natutuhan man daw siya ngayong taon, ito ay ang ipagkatiwala na lang sa Diyos ang mga plano niya sa buhay kapag hindi na ito umaayon sa gusto niya.

Bukod dito, nabanggit din ni Bea na ang 2024 daw ang pinakamahirap na taon ng kaniyang buhay.

“This must be the hardest year of my life,” aniya.

Matatandaang Pebrero nang basagin nina Bea at ng ex-fiancé niyang si Dominic Roque ang katahimikan tungkol sa umuugong na balitang hiwalay na sila sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque