Viral ang isang post patungkol sa isang panloob na nakitang nakakalat sa loob ng isang sinehan, na batay sa caption, ay naiwan daw ng isang manonood sa sobrang "daring" ng napanood kay "Alden."
Mababasa sa post ng "Random PH" noong Nobyembre 16 ang patungkol sa isang undergarment na nasa sahig ng isang sinehan.
Mababasang caption dito, "Sobrang daring nung scene nila Alden may nakaiwan na ng panty sa sinehan"
Ang tinutukoy na "scene nila Alden" ay sinasabing bed scene nila ni Kathryn Bernardo sa pelikulang "Hello, Love, Again."
Narito ang ilan sa mga aliw na reaksiyon at komento ng netizens.
"kung nung 90s pwede cguro ganyang galawan madilim kasi mga sinehan noon tpos hiwalay pa may jowa sa wala."
'Hahahaha sa sobrang intensed ba ng ginawa nina Joy at Ethan? Hahhaha."
"Bakit kaya may panty sa sinehan hahahaha."
"Nakakaloka hahahaha..."
"Parang ang dami nang pinagdaanan ng panty hahahaha."
"Nubayan mag iiwan lang din nmn d pa ginandahan ang pantay bwuahaha."
Bagama't hindi naman kumpirmado kung talagang naiwan ang panty dahil sa panonood ng pelikula ng KathDen, at kung kailan talaga nakunan ng larawan ang nabanggit na panloob, benta naman ito sa mga netizen na humakot ng 63k laugh reactions, 4k shares, at 2k comments.