Nagbigay na ng pahayag ang rapper at komedyanteng si Andrew E. kaugnay sa girian kung sino nga ba talaga dapat ang kilalaning “King of Rap” sa Pilipinas.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Nobyembre 18, inusisa si Andrew E. kung sino sa kanilang tatlo nina Francis Magalona at Gloc-9 ang dapat putungan ng korona bilang hari.
“Ang sabi ni Francis M. kaming dalawa raw, e. So, let it be,” saad ni Andrew E.
Matatandaang nagsimula ang pagtatalo kaugnay dito nang bansagan ng isang pahayagan si Gloc-9 bilang “King of Pinoy Rap.”
Samantala, sa gitna ng nasabing pagtatalo, nagbigay naman ng kaniyang reaksiyon ang anak ni Francis M. na si Arkin Magalona.
MAKI-BALITA: Anak ni Francis M., nag-react sa girian kung sino 'King of Pinoy Rap'