Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa Davao Occidental nitong Sabado ng madaling araw, Nobyembre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:50 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 114 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 52 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.