Naloka si showbiz insider Ogie Diaz sa mga YouTube channel na nagpapakalat ng tsikang namayapa na umano si TV host-actor Billy Crawford.
Sa latest episode ng “Showbiz Updates†nitong Martes, Nobyembre 12, sinabi ni Ogie na dapat daw i-report ang mga content na nagpapalaganap ng pekeng balita.
“Mayro’n na namang isang YouTube channel na ‘pinatay,’ ‘pinaglalamayan daw si Billy Crawford. Qinoute pa si Vhong Navarro pati raw si Colleen Garcia,†saad ni Ogie.
Dapat ‘yan i-report. Hindi maganda ‘yan. Naghahasik kayo ng fake news. ‘Pag sa inyo, nangyari ‘yan naku Diyos ko,†wika niya.
Pahabol pa ng showbiz insider: “Buhay na buhay si Billy.â€
Matatandaang minsan nang napagkamalang may malalang sakit si Billy matapos lumutang ang kaniyang mga larawan kung saan makikita ang tila pamamayat niya.
MAKI-BALITA: Pamamayat ni Billy Crawford, ikinabahala ng netizens
Ngunit sa isang ulat noong Mayo ay tinuldukan ng misis ni Billy na si Colleen Garcia ang nabubuong intriga tungkol sa kalusugan niya.
MAKI-BALITA: Coleen sa kalusugan ng asawang si Billy: 'He's more than okay'