Kumalat ang larawan ng TV host-actor na si Billy Crawford na tila screenshots mula sa isang video clip kung saan makikita ang kaniyang pamamayat.

Sa isang Facebook post ng nagngangalang “Carlo” nitong Martes, Mayo 7, tila curious siya sa kasalukuyang kalagayan ni Billy.

Sey niya kasi sa caption ng post: “Anong nangyare kay Billy Crawford? May sakit po ba sya o diet lang?”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang larawan ni Billy. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Xian Gaza todo-takip ng mukha sa airport, pang-asar sa BINI?

“He just aged. That's how life work”

“Overwork, pagod syempre, sipag nya kc, motivated by his family.”

“Kung diabetic sya ganito talaga pag biglaang diet ang ginawa naalala ko ung mama ko noon dapat pala di binibigla ang diet sa mga diabetic dapat may diet plan”

“Stay strong and keep your Faith!”

“Diet he’s trying to be fit”

“Good item lods”

“Pinapapayat ni khuleen”

Matapos kumalat ang naturang mga larawan, tila may tugon naman ang asawa ni Billy na si Coleen Garcia sa pang-iintriga ng mga netizen sa pamamagitan ng social media post.

MAKI-BALITA: Coleen Garcia, inilantad totoong hitsura sa bahay: ‘I look sick’

Samantala, hindi naman tinukoy ng uploader kung kailan o saan kuha ang naturang larawan ng TV host-actor.