December 09, 2024

Home BALITA National

VP Sara sa mensahe ni FPRRD na umalis na siya sa politika: 'Darating din tayo doon'

VP Sara sa mensahe ni FPRRD na umalis na siya sa politika: 'Darating din tayo doon'
(file photo)

Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang mensahe sa kaniya ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umalis na siya sa politika.

Matatandaang kamakailan lamang ay sinabi ni Ex-Pres. Duterte na mas mabuti umanong umalis na siya sa politika at mabuhay na lamang nang mapayapa.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, pinaaalis na sa politika si VP Sara: ‘Mabuhay ka lang mapayapa!’

Sa isa namang press conference nitong Lunes, Nobyembre 11, sinabi ni VP Sara na darating daw ang araw kung saan hindi na siya sasali sa politika, ngunit sa ngayon ay kailangan daw niyang sumagot sa mahigit 32 milyong Pilipino na bumoto sa kaniyang noong 2022 elections.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“Darating din tayo doon na hindi na ako sasali sa politics. Ako man, gusto ko din.

Ang problema ko is that, I need to answer to 32.2 million Filipinos who gave their trust and confidence for me to become the vice president of everyone, hindi lang 32.2 million,” aniya.

Samantala, sinabi rin ng bise presidente na hindi niya masasabi kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap.

“Buhay kasi natin, hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. We can only plan but it is always God’s purpose that shall prevail. So, plano lang tayo nang plano pero magtiwala rin sa Diyos,” saad ni Duterte.

Kasalukuyang nahaharap sa kontrobersiya si VP Sara sa gitna ng pag-imbestiga ng House Committee on Good Government and Public Accountability confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at maging ng Department of Education (DepEd) noong siya pa lamang ang kalihim ng ahensya.

MAKI-BALITA: Confidential fund misuse sa ilalim ni VP Sara, posibleng umabot sa ₱612.5M – House panel

Itinanggi naman ng bise presidente na nagkaroon siya ng maling paggamit sa pondo at iginiit na ang nasabing imbestigasyon ng Kamara ay isa lamang umanong “pamomolitika.”