December 23, 2024

Home FEATURES Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'
Photo courtesy: Screenshot from Frontline Pilipinas via YouTube channel

Anong kaya mong gawin para masulyapan lang ang taong nagpapakilig sa iyo?

Kasi sa bansang Thailand, isang babaeng estudyante ang naipit ang ulo sa railings ng hagdanan sa kanilang paaralan matapos niyang isuot ang ulo sa pagitan nito, para masulyapan lamang ang crush niya na nasa unang palapag.

Sa ulat ng "Frontline Pilipinas" ng TV5, makikita sa video ang babaeng estudyante na ipinasok sa rehas ang kaniyang ulo para lang makita ang kaniyang kinakikiligang crush, sa opening of classes nila. Sakto kasi na nang mga sandaling iyon, nakaupo siya sa baitang ng hagdanan.

Pero ang problema, nakalayo na ang crush niya, subalit hindi na niya mailabas ang ulo mula sa grills!

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

Dito ay to the rescue na ang ilan sa mga kapwa estudyante at maging mga guro para mahugot niya ang ulo mula sa railings.

Pero ilang sandali pa, hindi naman na kinailangang lagariin ang grills ng railings dahil kusa naman niyang nailabas ang ulo mula rito.

Hindi naman daw nasaktan ang nabanggit na estudyante sa pagkaipit ng ulo sa railings.