December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan

Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Ai Ai Delas (IG)

Binasag na ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas ang kaniyang pananahimik hinggil sa umuugong na tsikang hiwalay na sila ng mister niyang si Gerald Sibayan.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Nobyembre 11, kinumpirma ni Ai Ai ang hiwalayan nila ni Gerald at ibinahagi rin niya ang dahilan.

"Hiwalay na kami. Last month pa. Basta hindi ko makakalimutan. October 14, nag-chat siya, madaling araw sa Pilipinas. 'Yon nga. Sinabi niya na gusto niya magkaanak at hindi na siya happy," saad ni Ai Ai.

"So medyo confused ako and shocked, and bakit ngayon? Bakit ngayong oras na 'to? Sana hinintay mo man lang ako makauwi sa Amerika,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pero ayon sa comedy queen, sinubukan daw naman nilang magkasupling sa pamamagitan ng vitro fertilization (IVF). Ngunit nasaktan umano si Gerald nang hindi nila nabuhay ang dalawa sa mga ito.

Kung susumahin, mag-iisang dekada nang nagsasama ang dalawa. Ikinasal sila noong 2017 sa Christ the King Parish Church sa Quezon City.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, Gerald Sibayan split na nga ba?

Matatandaang minsan na ring lumutang ang tsikang hiwalay na sina Ai Ai at Gerald noong Pebrero 2024. Pero sinupla raw agad ito ng Kapuso comedy queen, ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

MAKI-BALITA: Ai Ai delas Alas, naimbyerna; hindi raw susunod sa nauusong hiwalayan